Menu
Map
Ang simbahan ni Jesuscristo ng mga banal sa huling-araw ay batay sa mga turo ng Aklat ni Mormon. Ang kagulat-gulat na kasaysayan ng kaniyang pagsalin mula sa gigintuang lamina ni Joseph Smith ang naging pangunahing dahilan ng pangungumberte ng mga Mormon. Ngunit ngayon, pagkalipas ng maraming taon mula nang ang mga saligang katotohanan ng Kristiyanismo ay nasabing napanumbalik ng Aklat ni Mormon, naniniwala pa ba ang kanilang mga pinuno sa pahayag ng katuruan nito?
"Sa dakong huli, tinanggihan ni Joseph Smith (ang unang nagdikta ng mga salita ng Aklat ni Mormon) ang katuruan na ang Diyos ay 'hindi pabagu-bago mula sa lahat ng kawalang hanggan hanggang sa lahat ng kawalang hanggan.' — (Moroni 8:18)"
Ang Aklat ni Mormon at Kasalukuyang Turo ng Mormon
Halimbawa, tinuturo ng Aklat ni Mormon na:
Sa kabila naman, ang kasalukuyang turo ng Mormon ay:
Naniniwala na rin ang mga Mormon ngayon na mayroong milyun-milyun nitong mga diyos. Ang bawat isa nito ay nakatamo ng pagka-diyos at hinugis ang bagay sa mga daigdig na kung saan ay sila ang namumuno. Ang mga tapat na Mormong lalaki ay umaasang maging diyos at umanyo at tumira sa kani-kanilang mga daigdig, sa tulong ng kanilang mga asawa.
Sa dakong huli, tinanggihan ni Joseph Smith (ang unang nagdikta ng mga salita ng Aklat ni Mormon) ang katuruan na ang Diyos ay "hindi pabagu-bago mula sa lahat ng kawalang hanggan hanggang sa lahat ng kawalang hanggan" (Moroni 8:18). Sa bandang katapusan ng kanyang buhay, tulad ng nakatala sa Teachings of the Prophet Joseph Smith ay ito ang kanyang ipinahayag, "Ating ipinalagay at inakala na ang Diyos ay Diyos mula pa sa walang-hanggan. Pabubulaanan ko ang kuru-kurong yaon ... siya ay dating taong tulad natin" (p.345). Samakatuwid, ang kasalukuyang mga diyos ng Mormon ay maramihan, hindi espiritu, at hindi walang pagbabago tulad ng tinuturo ng Aklat ni Mormon.
Bukod dito, iginigiit ng Aklat ni Mormon na ang buong sangkatauhan ay "dapat ipanganak na muli." Ang ibig sabihin nito ay dapat silang "mabago sa kanilang mahalay at makasalanang kalagayan" o "hindi nila kailanman mamamana ang kaharian ng Diyos." Ipinapangaral nito na ang tao ay dapat "maging bagong nilalang" sa pamamagitan ng "espiritual na pagsilang sa Diyos" at sa pamamagitan ng "pagdanas ng malaking pagbabagong ito sa inyong mga puso" (Mosiah 27:24-28; Alma 5:14, pagdidiin ay dagdag). Sa kabila naman, idinidiin ng kasalukuyang Mormon ang pangangailangan ng binyag sa tubig ng simbahan ng Mormon para matanggap ang bagong kapanganakan. "Walang maaaring mapanganak muli ng hindi binibinyagan" (McConkie, Mormon Doctrine, p. 101). Gayunman, ang binyag sa Aklat ni Mormon ay hindi mahalaga para sa mga batang paslit at para sa mga Hentil ("sila ay mga hindi saklaw ng kautusan") dahil "sa mga gayon, ang binyag ay walang pakinabang" (Moroni 8:11-13, 20-22).
Muli, pinapahayag ng Aklat ni Mormon na mayroon lamang dalawang kahihinatnan ang sangkatauhan: walang hanggang kaligayahan o walang hanggang pagdurusa. Ang mga namatay na tinatanggihan si Cristo ay tatanggap ng walang hanggang pagdurusa, na walang ikalawang pagkakataon pagkatapos mamatay. Sila ay "ihahagis sa apoy, mula kung saan ay walang makababalik" at "kinakailangang pumunta sa lugar na inihanda para sa kanila, maging sa dagat-dagatang apoy" (III Nephi 27:11-17; Mosiah 3:24-27; II Nephi 28:22-23: Alma 34:32-35). Sa kabila naman, ang Mormon ngayon ay naniniwala na halos lahat ay makatitikim ng may antas ng kaluwalhatian. Maging ang mga namatay ay maaaring maligtas mula sa "tahanang bilangguan" kapag ang mga buhay ay humaliling magpabautismo para sa kanila.
Kaya, maliit lamang ang kinalaman ng mga turo ng Aklat ni Mormon sa kasalukuyang mga pangunahing katuruan ng Mormon. Marami pang mga mahahalagang pagbabago sa mga katuruan nito na tumutukoy sa kalikasan ng Diyos, panalangin, poligamiya, awtoridad, at iba pa na kinakailangang pag-usapan dito ngunit may-takda ang ating puwang.
Isang Likha sa Ika-labing-siyam na Siglo?
Hindi gaanong binibigyang pansin ng mga namumuno sa Mormon ang teolohiya ng Aklat ni Mormon. Gayun pa man, sinubukan ng mga pantas ng kanilang pananampalataya na gamitin ang arkeyolohiya ng Amerika upang bigyan ang aklat ng may anyong tunay na kauna-unang panahon. Ganoon nalang kasigasig ang kanilang pagsisikap na nakita ng Smithsonian ang kahalagahan na maglabas ng isang pagtatuwa. Sinasabi nito na ang aklat ay hindi kailanman ginamit na gabay sa kanilang gawaing pang-arkeyolohiya.
Ang mga tangka ng mga Mormon upang patunayan na ang Aklat ni Mormon ay isang sinaunang likha ay higit pa sa lihis. Ito ay dahil sa dami ng katibayan na ang aklat na ito ay tunay na isang ika-labing-siyam na siglong katha. Dalawang mahahalagang pag-aaral ang nagbibigay-diin sa katotohanan na ito ay nanggaling lamang sa tao.
Mga Natuklasan Ng Punong Awtoridad
Ang una sa mga ito ay bumubuo ng dalawang manuskritong nasulat noong 1922 ng Punong Autoridad sa Mormon at apolohiyang si Brigham H. Roberts. Kagulat-gulat na masumpungan itong tagapagtanggol ng pananampalataya ng Mormon na kanyang walang-hupang pinagmamatwid na si Joseph Smith ang siya mismong maaaring sumulat ng Aklat ni Mormon. Pinayagan ng pamilya ni Roberts ang masiyasat na pagsusuri sa dalawang manuskritong ito. Kanilang taglay ang mga ito mula pa noong kanyang pagkamatay noong 1933. Ipinalathala sila ng mga pantas ng Mormon sa isang aklat na may titulong Studies of the Book of Mormon (University of Illinois Press, 1985).
Mayroong apat na pangunahing mga paksa si Roberts sa kanyang pag-aaral na umabot sa 375 na pahina. Nabatid niya sa kanyang unang manuskrito, sa "Book of Mormon Difficulties," na ang saysay ng aklat ng mga sinaunang Amerikano ay salungat sa nalalaman patungkol sa kanila mula sa makabago at makasiyensiyang pagsusuri. Isinasalarawan ng Aklat ni Mormon na mayroon silang kalinangan ng Panahon ng Bakal. Ipinapakita naman ng arkeolohiya na sila ay umunlad hanggang sa isang mapinong antas ng Panahon ng Bato sa pagdating ng maputing tao (Studies, pp. 107-112).
Nalaman ni Roberts na higit na pinalala ang kalagayan ng mga Amerikano sa pahayag ng Aklat ni Mormon na ang mga kauna-unahang dayuhan ay dumating sa Bagong Daigdig noong ito'y di tinitirahan. Dumating ang mga Jaredites "doon sa dako kung saan hindi pa naparoon ang tao" (Ether 2:5) at ipinaglaban ang kanilang sarili sa kanilang ikinalipol. Gayundin, pumunta ang mga Nephites sa isang lupaing "bukod mula sa ibang mga bansa" (II Nephi 1:9-11). Dahil ang pagdating ng huling grupo ay natakdang mga 600 B.C., hindi ito magbibigay ng sapat na panahon para sa pag-unlad ng 169 na kinikilalang Bagong Pandaigdigang wika, kung saan ang bawat isa ay may kani-kanilang mga wika. Inamin ni Roberts na wala siyang tugon sa ganitong uri ng mga pagkakaiba. Sabi niya, "Iniiwan tayo ng walang dahilan ng pagsamo o pagsasanggalang ng mga kamakailan lamang na kapani-paniwalang mga manunulat - tila ang makabagong kaalaman ay sumasalungat sa atin" (Studies, p. 143). Hanggang sa ngayon, wala pang nasiwalat ang arkeyolohiya upang salungatin ang kaniyang mga natuklasan.
Ngayong naipakita na na ang Aklat ni Mormon ay iba sa makabago at makaagham na kaalaman, may ipinakita si Roberts sa kanyang ikalawang manuskrito, "A Book of Mormon Study." Ito ay patungkol sa pagsang-ayon ng Aklat sa "karaniwang kaalamang" pinaniniwalaan patungkol sa mga naunang tao sa Amerika. Maging ang mga maling kaisipan - na ang mga Indian ay nagmula sa mga "Ligaw na Tribu" ng Israel at dati nilang ikinalugod ang isang mataas na antas ng kabihasnan - ay kasama sa pagsang-ayon nito.
Itong "karaniwang kaalaman" ay nabuod ng mabuti sa isang "halos muntaklat na anyo" sa aklat ni Rev. Ethan Smith. Ang gawaing yaon, View of the Hebrews, ay nailathala sa ikalawang, pinalaking limbag limang taon bago nailathala ang Aklat ni Mormon. Bukod dito, nailathala rin ito sa maliit na bayan kung saan nakatira si Oliver Cowdery. Si Cowdery ay pinsan ni Joseph Smith, Jr. at kawani niya sa paglahad ng Aklat ni Mormon. Sa isang pagsusuri na umabot sa halos mga 100 pahina, ipinapakita ni Roberts na ang aklat ni Ethan Smith ay naglalaman ng "saligang-plano" ng Aklat ni Mormon (Studies, p. 240; 151-242).
Ipinapakita ng dalawang aklat ang mga mamamayan ng Amerika bilang mga Hebreo na naglakbay mula sa Lumang Daigdig. Isinasalaysay ng pareho na ang kabahagi sa mga ito ay humiwalay mula sa grupong may-kabihasnan at lumubha sa isang masukal na kalagayan. Nilipol ng masukal na kabahagi ang mga sibilisado pagkatapos ng mahahaba at katakut-takot na mga digmaan. Ipinapalagay ng parehong aklat sa sibilisadong sanga ang kalinangan ng Panahon ng Bakal. Isinasalarawan ng parehong aklat itong mga nakatira sa Bagong Daigdig ay dati nang mayroong "Aklat ng Diyos," may pag-uunawa sa ebanghelyo, at may puting, tulad ng Mesias ang panga-ngatawan na dumalaw sa kanila. Kinikilala ng pareho na ang mga Amerikanong Hentil ang siyang itinalaga sa pamamagitan ng paghuhula upang mangaral ng ebanghelyo sa mga Indians. Ang mga Indians ay mga labi ng mga sinaunang Amerikanong Hebreo. Malimit tanungin ni Roberts ang mga patungkol dito at sa mga ibang magkatulad na ulat na kanyang natagpuan, "Maari bang ang napakarami at kagulat-gulat na mga katangiang magkakahawig at mga nagpapahiwatig ng pagkakatulad ay pagkakataon lamang?" (Studies, p. 242).
Bilang kanyang ikatlong mahalagang puntos, itinatag ni Roberts ang katotohanang (gumagamit ng mga balitang nagmumula sa Mormon lamang) si Joseph Smith ay may mga likhang kapangyarihan sa isip na sapat na makagawa ng Aklat ni Mormon. Isinalarawan niya ang katalinuhan ni Smith na "kasinlakas at kasintangi ng kay Shakespeare at hindi na kailangang isaalang-alang pa kaysa sa isang Ingles na si Bard's." (Studies, p. 244).
Binuo ni Roberts ang kanyang kaso na sumasang-ayon sa pantaong pinagmulan ng Aklat ni Mormon. Sumulat siya ng 115 na pahinang pagtatalakay ng mga kamalian na nagmula sa hindi-aral, bagamat matalinong, isip ni Smith. Tinukoy ni Roberts ang pagkaimposibilidad ng tatlong araw na paglalakbay ni Lehi mula sa Jerusalem hanggang sa pasigan ng Dagat na Mapula. Ito ay may habang 170 na milyang paglalakad, kasama pa ang mga babae at mga bata. Binanggit niya ang kanilang pagdating sa Amerika, ang lupaing "napangalagaan di-tulad ng ibang bayan," kung saan ay di-maipaliwanag na natagpuan nila ang mga maaamong hayop. Ito ay ang "kapwa... baka at... toro, at ang asno at ang kabayo, at ang kambing at ligaw na kambing" (I Nephi 18:25, pagdidiin ay dagdag). Ang nakikita ni Roberts ay isang bagitong pag-uulit ng parehong balangkas na ang tauhan lamang ang nababago. Pinuna niya na sinusubukan ng aklat daigin ang mga himala ng Biblia. Sinusubukan din nitong magtanghal ng ilang di-kapani-paniwalang mga tagpo ng digmaan. Sa isang pagkakataon, may 2,060 na mga binatang nakipagdigmaan sa loob ng apat hanggang limang taon na walang kahit isa man lamang ang napatay (Alma 56-58). Nag-udyok ito kay Roberts na magtanong:
"Ang lahat bang ito ay mahinahong kasaysayan . . . o ito ba ay isang kataka-takang kabulaanan ng isang murang isip, di nakakamalay kung anong pagsusulit ang kanyang inilalahad sa pagiging lukuhin ng tao kapag hinihiling niya ang taong tanggapin ang kanyang saysay bilang tapat na kasaysayan?" (Studies, p. 283).
Lumalabas na ang tanong ay hindi nangangailangan ng tugon. Binigyang pansin din ni Roberts kung paanong isinasalarawan ng pagpapanibagong-buhay noong panahon ni Smith ang mga paghihimatay at mga relihiyosong "pagtumba" na paulit-ulit na matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Sa puntong ito natatapos ang manuskrito ni Roberts. Ngunit bago ito, ipinaalam niya sa atin kung gaano kabigat nakaasa ang Aklat ni Mormon sa kalinangan ng kanyang panahon para sa kanyang nilalaman at istilo.
Pinamamlahiyo Ang Bibliang King James
Sumunod sa pagsusuri ni Roberts ay ang pag-aaral ni H. Michael Marquardt. Ipinakita rito ang matibay na katibayan na ang salin ng King James ay ginamit sa pagbubuo ng Aklat ni Mormon.
Pinakita ni Marquardt na ang bahagi ng Aklat ni Mormon na dapat naisulat noong panahon ng Lumang Tipan ay letra-por-letrang pinaulanan ng mga parirala at mga siping galing sa Bagong Tipan ng King James. Naglista siya ng mga 200 halimbawa. Maging ang mga "hula" na makikita sa bahagi ng Lumang Tipan ng aklat ay madalas binibigay sa paggamit ng mga salita ng Bagong Tipan na kasama ang kanilang katuparan. Halimbawa, si Juan Bautista ay hinulaang darating at maghahanda ng daan para sa Isang "lalong makapangyarihan kaysa akin" (I Nephi 10:8/Luc. 3:16), "na sa Kaniya'y hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng Kaniyang pangyapak" (I Nephi 10:8/ Juan 1:27). Gayun din, magkakaroon ng "isang kawan, at ng isang pastor" (I Nephi 22:25/Juan 10:16) at "isang pananampalataya at isang pagbibinyag" (Mosiah 18:21/Efe.4:5).
Bukod rito, ang buhay at ministeryo ni Alma sa panahon ng Lumang Tipan ng Aklat ni Mormon ay halos kopya ng buhay ni Apostol Pablo. Maging ang mga kaugaliang pangungusap ni Pablo ang matatagpuan sa kanyang labi: "ang pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig" (Alma 7:24/I Cor. 13:13), "siyang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas" (Alma 15:6/Rom. 1:16), "walang Diyos sa sanlibutan" (Alma 41:11/Efe. 2:12), at iba pa.
Di-pagkakatugma ng Biblia
Sinubukan na ng mga naniniwala sa Aklat ni Mormon na maipaliwanag itong mga maling petsa at pagsasaoras. Ito ay sa pamamagitan ng paghahayag na sa pagsasalin, kapag ang isang parirala ay nahuhustong malapit doon sa nanggaling sa Bibliang Ingles, ginamit ni Smith ang kilalang parirala sa Biblia. Ang paliwanag na ito ay bigong naisasaysay ang katotohanan na hindi lamang ang parirala ng Bagong Tipan ang ginamit. Sa maraming pagkakataon ang pakahulugan ng Bagong Tipan ng sangkap mula sa Lumang Tipan ang sinunod, at ipinalawak.
Halimbawa, ang pakahulugan ng Bagong Tipan kay Melquisedec bilang uri ng Anak ng Diyos ang sinunod at ipinalawak sa bahagi ng Lumang Tipan ng Aklat ni Mormon. Ipinalawak ito sa isang buong uri ng mga pari "ayon sa pagkasaserdote ng Kaniyang Anak," at isang paliwanag ay naidagdag kung bakit tinawag si Melquisedec na "Hari ng Katuwiran" at "Hari ng Salem" (Alma 12 & 13; cf. Heb. 7:2). Kaya ang sangkap ng Bagong Tipan ay naging mahalagang kabahagi ng teksto mismo ng Aklat ni Mormon. Bunga nito, walang unti-unting paglalahad ng doktrina na tulad ng makikita sa Biblia. Ang Kritiyanismo ay hayag, husto sa gulang, maging noong sinaunang itinayo ang Tore ni Babel.
Bukod dito, paminsan-minsan ay nagkakamali ang Aklat ni Mormon sa paggamit ng materyales ng Biblia. Ang mga pakahulugan ni Pedro (Mga Gawa 3:22f) sa mga salita ni Moises (Deut. 18:15, 18f) ay napapagkamalang tumutukoy sa mga sariling salita ni Moises (I Nephi 22:20). Kaya, hindi sinasadyang sinipi si Pedro, mga daang taon bago nasulat ang aklat ng mga Gawa o tunay ngang binigkas ni Pedro ang kanyang mga salita noon. Muli, ang mga salita ng Malakias 4:1 ay nakikita sa I Nephi 22:15 higit sa isang daang taon bago naisulat ni Malakias ang mga iyon.
Sa ikalawang bahagi ng kanyang pag-aaral, ipinakita ni Marquardt ang iba pang mga kapanahong materyales na nasama sa Aklat ni Mormon. Ang kabayanihan ng Amerika na hango sa New England at ang kaguluhan ng Laban-sa-Mason na naganap malapit sa tahanan ni Smith noong 1827 ay naaaninag.
Marami pang maaaninag sa mga pangyayari sa buhay ni Smith na nasamang naisulat sa gawain. Ang bisita ni Martin Harris sa mga pantas ng Lunsod ng New York upang siyasatin ang kakayahan ni Smith magsalin ay lumilitaw sa Aklat ni Mormon pagkatapos bumalik si Martin mula sa kanyang paglalakbay. Dinagdag pa ni Smith ang isang "hula" patungkol sa kanyang sarili bilang isang tinawag para maging tagapagsalin ng tala ni Mormon (II Nephi 3:11-15). Napakadaling gumawa ng "mga hula" pagkatapos maganap na ang pangyayari.
Ang Huling Pagbuwal
Marahil ang pinakamalaking pinsala sa lahat ay ang kung paano napaglilito ng Aklat ni Mormon ang Luma at Bagong Tipan. Idinidiin nito na noong bago dumating si Cristo, ipinangilin ang batas ni Moises ng mga tunay na mananampalataya (II Nephi 5:10; 25:23-25, 20; Alma 30:3). Ngunit, nagtatag rin sila ng mga iglesia, nagturo at kinaugaliang magbautismo na pang-Kristiano, at bihasa sa mga doktrina at pangyayari ng Bagong Tipan (e.g. II Nephi 9:23; Mosiah 18:17). Ang banayad na paglalahad ng pang-teolohiyang mga paksa na maliwanag sa Biblia ay hindi masusumpungan sa Aklat ni Mormon. Sa Biblia, ang Lumang Tipan ay inalis upang itatag ang Bago (Heb. 10:9). Linalansag ng Aklat ni Mormon ang banal na huwarang ito at hinahalubilo ang mga tipan at ang kanilang mga ordinansiya. Dinadagdag rin ng aklat ang pangkasalukuyang mga Protestanteng pampanibagong-buhay na mga salita at mga ideya noong panahon ni Smith. Ginagawa ng mga ito ang Aklat ni Mormon na mag-anyong "mas tapat" kaysa sa Biblia sa isang halos walang pagkakilala sa Banal na Salita ng Diyos.
Gayunman, ang isang maingat na pagsusuri ng aklat na ito (na ang kanyang doktrina ay labis na winalang-bahala ng simbahan ng Mormon) ay maghahayag na ito ay tunay ngang isang bahagi ng sinaunang katha ng mga Amerikano. Sa pamamagitan ng pakyaw na mga hiram mula sa Biblia at mga napapanahong mga materyales, at sa panggagaya nito sa uri ng pananalita ng King James, ito ay tinangkang para magkaroon ng makapangyarihang pagsamo sa mga palasimba ng kanilang panahon. Isang maingat na pagsisiyasat ang magpapakita na ito ay kailanman hindi matatawag na isang tunay na pahayag mula sa Diyos.